20th Manuel L. Quezon gawad parangal sa mga natatanging mamamayan ng Quezon City, pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte
Ginawaran nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang labing-isang outstanding Quezon City citizens mula sa ibat-ibang sektor, na nakapagbigay ng natatanging kontribusyon sa kapakanan ng lungsod na ginanap sa EVM Convention Center.
Ang mga awardee na dumaan sa masusing evaluation ng selection board committe ay kinabibilangan nina dating AFP Chief of Staff at DILG Secretary Eduardo Ano, dating Ambassador Alfredo Yao, CHED Chairman Prospero de Vera, Fashion Diesigner Ditta Sandico,Communications Expert Antonio Lambino II, Educator Sonia Roco, Businesswoman Therese Ruiz, Publisher Ani Rosa Almario, at Journalist na si Danny Buenafe.
Sa kanyang talumpati ay personal na pinasalamatan at binaeti ni Mayor Belmonte ang mga awardee dahil sa kanilang malaking ambag sa patuloy na pagsulong ng Quezon City, lalo na ngayong panahon ng economic recovery sa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Ang taunang gawad Parangal Manuel L. Quezon ay nagsimula noong 2002 sa pangunguna ni dating Mayor Feliciano Sonny Belmonte, para kilalanin ng pamahalaang lokal ang natatanging achievement ng isang mamamayan ng Quezon City.
Ipinagmalaki ni Mayor Belmonte ang Quezon City, dahil sa kabila ng pananalasa ng pandemya ng COVID-19 ay itinanghal itong pinakamayamang lungsod sa buong bansa in terms of tax collection, dahil na rin sa good governance.
Inihayag ni Mayor Belmonte na bahagi ng new normal ang pagpapatupad ng electronic system sa lahat ng transaksyon sa pamahalaang lokal, upang mapabilis ang pagbibigay ng social services sa lahat ng mamamayan.
Vic Somintac