NTC inatasan ang telcos na madaliin ang repair at restoration sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Paeng
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication company na madaliin ang repair at restoration ng serbisyo sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Paeng.
Sa memorandum ni NTC Deputy Commissioner Ella Blanca Lopez, nakasaad na dapat tiyakin ng mga telco ang sapat na technical at support personnel para sa mabilis na pagbabalik ng kanilang serbisyo.
Pinatitiyak rin ni Lopez na mayroong standby generators na may extra fuel, tolls at iba pang spare na kagamitan ang mga telco sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Bukod dito, dapat ay mayroon din aniya silang
Libreng Tawag at Libreng Charging Stations.
Partikular na aniya sa mga lugar na hindi pa naibabalik ang serbisyo ng network at kuryente.
Moira Encina