Kamara nagpadala ng relief goods sa BARMM
Tuloy-tuloy ang ginagawang repacking ng relief goods sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa mga biktima na Bagyong Paeng.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na nagpadadala na rin ang Kamara ng ‘relief goods’ sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) partikular sa Maguindanao na matinding napinsala ng flash floods.
Ayon kay Romualdez tumulong ang Philippine Air Force Personnel para madala sa Mindanao ang relief goods na galing sa Kongreso.
Inihayag ni Romualdez ang relief operations ng Kamara ay galing sa ambagan ng mga Kongresista.
NIliwanag ni Romualdez na umaabot na sa mahigit na 49 million pesos ang pondong nalikom ng Kamara para sa relief goods na ipamamahagi sa mga biktima ng Bagyong Paeng.
Naunang nagpadala ng relief goods ang Kamara sa mga biktima ng Bagyong Paeng sa Cavite.
Vic Somintac