2nd Batch ng naarestong illegal pogo workers naipadeport na
Nakaalis na ng bansa ang ikalawang batch ng illegal Chinese pogo workers na una ng naaresto ng mga awtoridad.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang 21 Chinese nationals na ito ay umalis ng bansa noong November 2 sakay ng Philippine Airlines flight patungong Wuhan, China.
Matatandaang ang first batch na binubuo ng 6 na Chinese nationals ay umalis ng bansa noong October 19.
Kasama sila sa mahigit 300 dayuhan na karamihan ay chinese nationals na naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa illegal pogo companies.
Tiniyak ng BI na minamadali na nila ang deportation ng iba pang natitira sa lalong madaling panahon.
Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Chinese Embassy para mapadali na ang releasing ng kanilang travel documents.
Madelyn Villar – Moratillo