Presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Oktubre, tumaas pa
Bumilis at sumirit pa ang inflation o presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre ngayong taon.
Ayon kay National Statistician USEC Dennis Mapa, umakyat na sa 7.7 percent ang inflation, mas mataas sa 6.9 percent na naitala noong Setyembre.
Ito na ang naitalang pinakamataas na paggalaw sa presyo ng bilihin at serbisyo sa nakalipas na labing-apat na taon.
Huling naitala ang mataas na inflation noong December 2008 na pumalo sa 7.8 percent nang mangyari ang global financial crisis.
Sinabi ni Mapa na halos lahat ng sub group ng pagkain at serisyo ay nagtaas ng presyo.
Kabilang na rito ang karne ng manok, itlog gulay, refined sugar, harina , tinapay at pasta
Tumaas rin ang singil sa mga restaurant at accomodation, renta sa bahay, singil sa kurenye at kahoy na panggatong.
Kasabay rin ng pagbubukas ng mga eskwelahan, tumaas ang education services at singil sa pamasahe tulad ng jeep at bus.
Pero hindi pa raw ito ang inaasahang peak o pinakamataas na presyo ng bilihin at serbisyo ngayong taon.
Sinabi ni Mapa na maaring tumaas pa ang presyo ng mga bilihin dahil sa naging epekto ng bagyong paeng sa maraming lugar sa bansa.
Sa ngayon aabot na lang aniya sa 85 sentimos ang katumbas ng bawat piso sa purchasing power ng consumers.
Meanne Corvera