BOC tiniyak ang tuloy- tuloy na monitoring sa mga pumapasok na asukal sa bansa
Tiniyak ng Bureau of Customs ang tuloy tuloy na monitoring sa mga pumapasok na asukal sa bansa.
Kasunod ito ng nangyaring kakulangan ng suplay ng asukal sa bansa.
Maliban sa pagbabantay sa mga pantalan, simula noong Agosto ay ilang warehouse ng asukal ang ininspeksyon ng BOC.
Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni Arnold dela Torre Jr, tagapagsalita ng Bureau of Customs, sa mga nasabing warehouse na kanilang binisita dalawa ang sumasailalim na sa forfeiture proceedings.
Habang may dalawa namang shipment ng asukal na nasabat sa pantalan ang may seizure case.
Sa kabuuan, ang 4 na ito ay nagkakahalaga aniya ng 289 milyong piso.
Layon ng nasabing proceedings na makita kung iligal ang importasyon nila ng asukal o mayroon itong mga legal na dokumento.
Madelyn Villar -Moratillo