Halos 300 libong URL na sangkot sa Child pornography naharang
Aabot sa 278,555 URLs at domains na naghohost ng Child pornography ang naharang ng Globe mula nitong Enero hanggang Setyembre lang ng 2022.
Mas mataas ito ng 1,132.5% kaysa naitala noong 2021 na 22,371 lamang.
Ayon kay Globe Chief Privacy Officer Irish Salandanan-Almeida, bahagi ito ng kanilang commitment na tugunan ang dumaraming mga kaso ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa bansa.
Nais aniya nilang gawing ang safe online lalo para sa mga bata na vulnerable aa tinatawag na online predators.
Ayon naman kay Globe Chief Information and Security Officer Anton Bonifacio, patuloy nilang pinagbubuti ang kanilang kakayahan sa pagdetect at pagblock ng child pornography pages at iba pang online content na maituturing na mapanganib.
Ang inisyatibo ay alinsunod sa Republic Act 9775 o ang Anti-Child Pornography Act of 2009 na nag-aatas sa lahat ng internet service providers na maglagay ng technology, programs, o software para matiyak na mahaharang ang access sa transmittal ng child pornography.
Sa pag-aaral ng US-based National Center for Missing and Exploited Children, lumilitaw na kabilang ang Pilipinas sa world’s leading sources ng content na nakaugat sa OSAEC.
Una rito, naglaan ang Globe ng $2.7 million para sa content filtering systems na humaharang sa websites at imagery na nagsusulong ng child pornography, illegal gambling, at online piracy.
Madelyn Villar – Moratillo