NEDA tiwalang makakamit ng Pilipinas ang target na GDP rate
Kumpiyansa ang National Economic Development Authority o NEDA na matatamo ng bansa ang target na gdp rate sa pagtatapos ng taon.
Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na nakikita nilang maaring umabot sa 6.5 hanggang 7.5 percent ang GDP.
Sa ngayon ang Pilipinas aniya ang pumapangalawa sa mga bansa sa Southeast Asia na nagpapakita ng magandang takbo ng ekonomiya kung saan nangunguna ang Vietnam.
Malaking tulong aniya ang ginawang pagluluwag sa mga ipinatutupad na protocol sa COVID-19 gaya ng hindi na mandatory na pagsusuot ng facemasks kaya malaya nang nakakalabas at nakakapamasyal ang mga Pilipino.
Malaki rin ang ambag ng pagbabalik ng face to face classes para mabuhay ang mas maraming negosyo.
Pero malaking hamon pa rin aniya ngayon ang pagtaas ng inflation o presyo ng mga bilihin at serbisyo at epekto ng mga nagdaang bagyo at lindol.
Meanne Corvera