Smart greenhouse Project malaki ang maitutulong sa pagiging competitive ng mga magsasaka sa bansa
Itinayo sa ilalim ng proyektong “Enhancing Productivity and Producing High Quality Tomato through Smart Greenhouse in the Philippines” ang kauna- unahang Smart green house.
Ito ay matatagpuan sa Bureau of Plant Industry – Baguio National Crop Research Development and Production Support Center sa Baguio City.
Isa ang Department of Agriculture – Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering o DA-BAFE sa mga bumisita sa nabanggit na smart green house.
Ayon sa naturang ahensiya, ang smart green house ay joint project ng Pilipinas at Korea.
Sa pamamagitan ng Department of Agriculture, ginugulan ang nasabing proyekto ng Korea International Cooperation Agency.
Sinabi ng DA-BAFE, malaking tulong ang smart greenhouse sa mga magsasaka ng bansa dahil mas nagiging competitive sila.
Bukod ito, mas mataas ang ani at kita ng tomato farmers dahil sa halos nasa 15 metriko tonelada ng kamatis o cherry tomatoes ang inaani sa smart greenhouse kada anim na buwan.
Belle Surara