US Vice President Kamala Harris bibisita sa Palawan malapit sa West Philippine Sea
Makasaysayan umano ang gagawing pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan malapit sa West Philippine Sea.
Ayon kay Senador Jinggoy Estrada na Chairman ng Senate Defense Committee, si Harris ang isa sa mga highest ranking american na magtutungo sa lugar.
Isa aniya itong malinaw na pagpapakita ng suporta ng Amerika para sa pag-iral ng maritime at rule of law.
Isa rin aniya itong katunayan ng malakas na karelasyon ng Pilipinas at Amerika at malakas na strategic partnership ng dalawang bansa.
Maari rin aniyang na ayon ito sa joint vision statement ng Pilipinas at Amerika noong November 2021 kung saan inihayag ang determinasyon ng dalawang bansa na magtulungan sa pamamagitan ng mga high level visit at mga dayalogo.
Meanne Corvera