P 80 Million na halaga ng mga gintong alahas,natagpuan sa isang eroplano sa NAIA
Aabot sa 24.20 kilo ng assorted gold jewelries na itinago sa lavatory ng isang eroplano ang natagpuan sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa Bureau of Customs, ang mga alahas na tinangkang ipuslit ay nagkakahalaga ng 80 milyong piso.
Ang mga alahas ay nadiskubre sa lavatory ng Philippine Airlines flight PR 301 na dumating sa NAIA Terminal 2 kahapon mula sa Hongkong.
Sa isang pahayag, tiniyak naman ni Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, na nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad para sa gagawing imbestigasyon.
Ayon kay Villaluna, napansin umano ng crew ng nasabing eroplano na may ginalaw sa lavatory ng eroplano kaya agad itong inireport sa PAL Security Department na humingi naman ng tulong sa PNP Aviation Security Group.
Ang mga natuklasang alahas agad namang itinurn over sa Bureau of Customs.
Madelyn Villar – Moratillo