SC tiniyak na pagbubutihin ang legal aid at services sa mga kababaihang biktima ng karahasan
Sinimulan na ng Korte Suprema ang taunang paggunita nito sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga opisyal at kawani ng Supreme Court, inihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang buong committment at suporta ng Korte Suprema sa mga programa at hakbangin para mawakasan ang karahasan at lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan.
Kaugnay nito, sinabi ni Gesmundo na palalawigin at palalakasin ng SC ang Clinical Legal Education Program ng law schools sa iba’t ibang rehiyon at pag-revitalize sa Legal
Aid Program ng Integrated Bar of the Philippines.
Sa pamamagitan aniya ng ganitong programa ay mas magiging efficient ang legal aid service upang matulungan ang vulnerable at disadvantaged communities sa bansa gaya ng kababaihan.
Bukod dito, inaasikaso na rin ng Committee on Gender Responsiveness in the Judiciary (CGRJ) ng SC ang mga kinakailangang reporma sa ilalim ng mga batas na nakakaapekto sa mga kababaihan at bata.
Sinabi naman ni CGRJ Co-Chairperson Justice Jhosep Lopez na kailangan ng responsive at aktibong collective efforts para tuluyang makamit ang VAW- free nation.
Inihayag din ni CGRJ Co-Chairperson Justice Maria Filomena Singh na dapat na mas maging involved ang mga miyembro ng hudikatura sa kampanya at hindi lang sa pagdinig at pagdesisyon ng mga kaso na may kaugnayan sa VAW.
Batay aniya sa statistics ay patuloy na dumaranas ng karahasan ang mga kababaihan sa kabila ng annual End VAW Campaign.
Moira Encina