Mga naglipanang pekeng website na nambibiktima ng mga OFW at mga turista , pinaiimbestigahan sa Senado

Pinaiimbestigahan na rin ng mga Senador ang mga nagkalat na mga pekeng website na nambibiktima ng mga turista, Overseas Filipino Workers at iba pang mga biyahero.

Ang mga website na ito ang nag- aalok ng online E card registration para makakuha ng E-arrival card pagdating ng Pilipinas.

Sa kaniyang privilege speech, sinabi ni Senador Pia Cayetano na batay sa nakuha niyang impormasyon, ang pekeng website na ito ay naniningil ng 79 dollars o katumbas ng 4, 500 pesos kapalit ng E arrival card na dapat libre.

Isa sa tinukoy niya ang ph.entryform.com (http://ph.entryform.com/) na aniya’y isang sponsored Ad sa google na madalas lumalabas kapag nagse search ang isang turista o OFW para makapagparehistro.

Paglilinaw ni Cayetano walang sinisingil ang gobyerno para sa E card registration.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, nakalulungkot na sumasabay sa digitalization ang mga scammer.

Sa impormasyon ni Villanueva Marso pa lamang ngayong taon ay nagsimula nang mamayagpag ang one health pass scam.

Hiniling  na ni  Grace Poe na maipatawag ang mga opisyal ng DICT para magpaliwanag kung  ano ang ginawang hakbang hinggil dito.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *