Relasyon ng Philippine House of Representatives at Vietnam National pinatatag sa pamamagitan ng isang resolusyon
Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang resolusyon na naglalayong mapaigting ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam sa pamamagitan ng pagtatatag ng Philippine-Vietnam Parliamentarians Friendship Society.
Personal na dumalaw kay House Speaker Martin Romualdez si Vietnam National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue para silyuhan ang relasyon ng mga mambabatas ng Pilipinas at Vietnam.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sa pamamagitan ng mabuting relasyon ng Pilipinas at Vietnam maisusulong ang interes ng dalawang bansa sa larangan ng seguridad at ekonomiya.
Matatandaan na nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at Vietnam noong July 12, 1976 makaraang lagdaan nina dating Philippine Foreign Minister Carlos P. Romulo at dating Vietnamese Vice Prime Minister for Foreign Affairs Phan Hien ang isang diplomatic agreement.
Vic Somintac