Inter-Parliamentary Courtesy makakatulong para mapabilis ang pagtalakay sa bicameral ng 5.268 Trillion pesos 2023 Proposed National Budget ayon sa Kamara
Matapos pagtibayin ng Senado ang kanilang bersiyon sa 2023 Proposed National Budget Bill isasalang na ito sa Bicameral Conference Committee.
Batay sa report nagkasundo ang liderato ng Senado at mababang kapulungan ng Kongreso na sa biyernes November 25 uumpisahan nang talakayin sa bicam ang 5.268 trilyong pisong panukalang pambansang pondo.
Sinabi ni Speaker Martin Romualdez ang 14- man panel ng House of Representatives sa Bicameral Conference Committee ay pamumunuan mismo ni Congressman Elizalde Co ,Chairman ng House Committe on Appropriations.
Ayon kay Romualdez , nagkaroon na ng mutual agreement ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng Inter-Parliamentary Courtesy na agad aayusin ang anumang pagkakaiba ng bersiyon ng Senado at Kamara sa panukalang pambansang pondo.
Umaasa naman si Romualdez na bago sumapit ang holiday break ng sesyon ng Kongreso sa December ay malalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang 2023 National Budget.
Vic Somintac