Ayuda ng Estados Unidos sa Pilipinas hindi dapat limitahan sa military equipment
Hindi dapat limitahan sa military equipment ang ibinibigay na ayuda ng Estados Unidos
Ito ang panawagan ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel kasunod ng pagbisita sa bansa ni U.S. Vice President Kamala Harris.
Ayon kay Pimentel, ang pagbisita ni Harris ay isang magandang development para sa relasyon ng Pilipinas at Amerika dahil ipinapakita nito ang pagpapahalaga ng Estados Unidos sa mga Pilipino.
Pero apila ng Senador, sana hindi lang nakafocus sa upgrading ng military equipment ang ibigay na tulong ng Amerika kundi suporta at agricultural equipment at kung paano mapalalago ang sektor ng agrikultura.
Malaki aniya ang problema ngayon sa food production ng bansa katunayan ang nangyayaring food inflation.
Importante aniya sa mga Pilipino ang may sapat na pagkain at magagawa ito kung mapapunlad pa ang agriculture sector.
Meanne Corvera