Pantay na alokasyon ng pondo sa mga mahihirap na probinsya iginiit ng isang mambabatas
Nakiusap si Senador Allan Peter Cayetano sa mga kapwa mambabatas na miyembro ng Bicameral Conference Committee na bigyan ng pantay na alokasyon sa pambansang budget ang mga mahihirap na probinsiya.
Ayon kay Cayetano, hindi dapat nakafocus lang sa Metro Manila ang mga proyekto ng Gobyerno.
Ngayon marami aniya sa ating mga kababayan ang nagbalik probinsya dahil sa pandemya marami sa kanila umaasang may makukuha ng trabaho.
Sinabi ng Senador mahalaga ang mga farm to market road, tourism projects at iba pang imprastraktura para makalikha ng mas maraming trabaho sa mga kanayunan.
Gugustuhin aniya ng ating mga kababayan na manirahan sa kanayunan kung sisiguruhin ng pamahalaan na may kuryente, tubig, internet connection, maayos na eskwelahan, at health center ang bawat barangay sa bansa.
Desisdo naman si Cayetano na isulong ang paglilipat ng mga tanggapan ng gobyerno sa mga probinsiya tulad ng DA at DAR sa Central Luzon at tourism sa Cebu para makatulong sa paglikha ng trabaho.
Meanne Corvera