Awayan sa politika noong panahon nina Bonifacio at Aguinaldo nangyayari parin hanggang ngayon ayon sa pamilya Bonifacio
Bahagi ng kasaysayan ng rebolusyon ang nangyaring tunggalian sa pagitan nina Gat Andres Bonifacio at Heneral Emilio Aguinaldo.
Ito ang inihayag ni Atty. Garry Bonifacio apo sa tuhod ni Andres Bonifacio kaugnay ng paggunita sa ika-159 na anibersaryo ng kapanganakan ng tinaguriang ama ng Philippine Revolution.
Sinabi ni Atty. Bonifacio na hanggang ngayon aplikable pa rin ang mga aral at paninindigan ni Gat Andres Bonifacio lalo na ang ukol sa pagmamahal sa bayan.
Ayon kay Atty. Bonifacio hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang sambayanang pilipino sa pakikipaglaban para makamit ang tunay na kalayaan lalo na sa pakikipagbaka sa kahirapan.
Batay sa tala ng kasaysayan lumalim ang away nina Bonifacio at Aguinaldo dahil sa politika sa pagitan ng kanilang partido na Magdiwang at Magdalo.
Naniniwala si Atty. Bonifacio na politika rin ang dahilan kaya hindi nagtagumpay ang rebolusyon ng Pilipinas laban sa mga mananakop na Kastila.
Vic Somintac