DOLE,nagpaalala sa holiday pay rules ngayong Bonifacio day
Kasabay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day, nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer hinggil sa tamang pasahod sa kanilang mga empleyado.
Paalala ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, legal obligation ng mga employer sa pribadong sektor ang magbigay ng tamang pasahod.
Ang Bonifacio Day kung saan ginugunita ang araw ng kapanganakan ng bayaning si Gat Andres Bonifacio ay deklarado bilang isang “regular holiday.”
Ayon sa DOLE, kapag ang empleyado ay hindi pumasok sa trabaho sa araw na ito, tatanggap parin siya ng 100% ng kanyang suweldo.
Pero kung pumasok, dapat siyang tumanggap ng 200% ng kanyang arawang suweldo, para sa unang walong oras ng trabaho at dagdag na 30% ng kanyang hourly rate kung lalagpas sa 8 oras.
Kung natapat naman sa day off pero pumasok pa rin ito tatanggap siya ng karagdagang 30% ng kanyang daily rate at 200% ng kanyang arawang sweldo.
Kung lalagpas naman sa 8 oras ang trabaho, tatanggap siya ng dagdag na 30% ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.
Madelyn Villar-Moratillo