Center for Artificial Intelligence Research (CAIR), itatatag ng DTI


Inanunsiyo ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang plano ng pamahalaan na magtatag ng
Center for Artificial Intelligence Research (CAIR).

Sa Philippine- German Business Forum 2022, sinabi ng kalihim na ang CAIR ay isa sa mga inisyatiba ng DTI para maging AI Center of Excellence ang Pilipinas.

Ayon kay Pascual, mahigit 50 tech startups na nasa Pilipinas ay gumagamit ng AI bilang core technology nito.

Aniya, sa pamamagitan ng CAIR ay mapapalakas ang kontribusyon ng AI sa ekonomiya ng bansa.

Sa suporta aniya ng private sector partners ng DTI ay magiging hub ang CAIR para sa collaborative AI R&D ng data scientists at researchers.

Kaugnay nito, magtatatag din ang DTI ng
Industry 4.0 Pilot Factory na magsasagawa ng pilot demonstration at learning laboratories para sa relevant technologies gaya ng robotics, intelligent manufacturing, at cyber-physical systems.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *