Mahigit 100 aplikante hired-on-the-spot sa K-12 Job Fair ng DOLE- NCR sa Pasay City
Mahigit 100 aplikante hired-on-the-spot sa K-12 Job Fair ng DOLE- NCR sa Pasay City
Kabuuang 116 na aplikante ang hired-on-the-spot sa kauna-unahang K-12 Job Fair ng Department of Labor and Employment- NCR sa Pasay City.
Ayon sa tala ng DOLE-NCR, umaabot naman sa 966 ang near-hires at qualified o ang mga may kinakailangan na lang kumpletuhin na requirement para tuluyang makuha sa trabaho.
Umaabot sa 10,497 job vacancies ang inalok sa job fair na nilahukan ng 70 local employers at 10 overseas companies.
Ilan sa job vacancies ay customer service representatives, cashiers, housekeeping attendants, dining staff, baristas, kitchen helpers, service crews, baggers, drivers, at room attendants.
Ang job fair ay isinagawa bilang pagdiriwang sa 89th anniversary ng DOLE at 159th founding anniversary ng Pasay City.
Moira Encina