Mga premyo sa Earshot Prize 2022, iginawad ni Prince William sa pagtatapos ng kaniyang pagbisita sa US
Binigyan ng premyo ni Prince William ang climate change innovators sa isang star-studded ceremony sa Boston, sa pagtatapos ng kaniyang US trip kasama ang asawang si Catherine.
Pinagkalooban ng tagapagmana sa trono ng Britanya ang limang entrepreneurs ng £1 million ($1.2 million) bawat isa, bilang bahagi ng kaniyang Earthshot Prize initiative na suportahan ang mga pagsisikap na iligtas ang planeta sa papainit na temperatura.
Si Annie Lennox at magkapatid na Chloe x Halle, ay kabilang sa mga mang-aawit na nag-perform sa MGM Music Hall ng Boston. Ang aktor na si Rami Malek at dating football player na si David Beckham naman ang nag-present ng awards.
Ang British naturalist at television presenter na si David Attenborough, at ang aktres na si Cate Blanchett ay kabilang sa mga hurado.
Kasama sa mga nagwagi ang isang female-founded start-up, na bumuo sa cleaner-burning stoves para sa mga kababaihan ng Kenya, at isang British company na gumagawa ng biodegradable packaging mula sa marine plants.
Sinabi ni William sa mga sumaksi sa event, “I believe that the Earthshot solutions you have seen this evening prove we can overcome our planet’s greatest challenges. And by supporting and scaling them we can change our future,”
Ang seremonya, na nasa ikalawang taon na nito, ay tinawag ng royal insiders na “Superbowl moment” ni William, at ginanap sa pagtatapos ng unang pagbisita nila ng asawang si Kate sa Estados Unidos sa loob ng walong taon.
Ang tatlong araw na pagbisita ng mag-asawa sa Boston ay nakatuon sa kapaligiran, kung saan tinalakay nila ang tumataas na lebel ng tubig sa karagatan kasama ng mga lokal na opisyal, at pagbisita sa isang laboratoryo na ang espesyalisasyon ay green technologies. Saglit ding nakipagkita si William kay US President Joe Biden.
Ang Earthshot Prize, na inilunsad noong October 2020, ay kumuha ng inspirasyon sa”Moonshot” project ni dating US president John F. Kennedy noong 1960s na makarating ang tao sa buwan.
Ang Mukuru Clean Stoves ng Kenya ang nagwagi sa Clean our Air category, para sa kanilang biomass stoves na gawa mula sa uling, kahoy, at tubo na may 70% less pollution kaysa tradisyunal na stoves at nagkakahalaga lamang ng $10.
Nakuha naman ng London-based Notpla ang Build a Waste-Free World prize, para sa kanilang packaging products na gawa sa seaweed.
Ang Protect and Restore Nature award ay napunta sa Indian firm na Kheyti, na ang greenhouses ay nagbibigay proteksiyon sa ani ng mga magsasaka mula sa mapaminsalang mga peste at ‘unpredictable weather.’
Napanalunan ng Queensland Indigenous Women Rangers Network ang Revive our Oceans category, para sa kanilang pagsasanay sa higit 60 mga babae ng mga pamamaraan para i-preserba ang Great Barrier Reef ng Australia.
Samantala, ang Fix our Climate award ay ibinigay naman sa Oman-based 44.01, na nag-aalis ng cardon dioxide mula sa atmospera sa pamamagitan nang ginagawa iyong periodotite rock na iniimbak sa ilalim ng lupa.
© Agence France-Presse