Asin para sa kalusugan ng ngipin
Pag-usapan natin ang kahalagahan ng asin sa atin lalo na sa oral health.
Hindi ba’t ang mga pagkain na nilalagyan ng asin ay tumatagal, mahusay na preservative ang asin.
Kapag walang asin, madaling mapanis.
Ang bibig kapag kulang sa asin nakakapanis din kaya nauuwi sa pagiging bad breath.
Sa oral health mahusay na ipangmumog ang warm water with salt.
Alam po ninyo, nagkakaproblema tayo sa ngipin dahil acidic ang bibig.
Gusto ng bacteria, acidic.
Pero, kapag regular na nagmumumog ng tubig na may asin makatutulong ito para labanan ang bacteria at virus sa bibig.
Ang kagandahan sa asin, ito ay anti-inflammatory, anti-bacterial at tumutulong para i-repair ang ngipin.
Kaya nga, paano na kung saltless diet ka?
Ang tendency ay maging prone sa tooth decay.
Kung anong klaseng asin ang gagamitin sa pagmumog?
Sea salt o Himalayan salt.
Hindi lang pinapatay ang bacteria, gagawin ding alkaline ang bibig at hindi na acidic.
Sa halagang sampung pisong asin ay matagal mo ng magagamit na pangmumog.
Kapag masakit ang ngipin, maglagay ng kalahating kutsarita ng asin sa warm water o maligamgam na tubig.
Magmumog at hayaan sa loob ng bibig for 30 seconds saka iluwa.
Gawin ito tatlong beses sa isang araw o every six hours lalo na kung talagang masakit ang ngipin.
Pero, hindi naman ibig sabihin na kapag nawala na ang sakit ay hindi na kayo magpapatingin o kokonsulta sa dentist, kailangan pa rin, para malaman kung bakit sumasakit ang ngipin mo.
Samantala, kung iisipin naman ninyo ang gagawin na lamang ninyo ay asin ang gawing toothpaste, hindi ko ito ipinapayo dahil sa magagasgas ang ngipin.
Sana ay nakatulong itong ibinahagi ko sa inyo. Hanggang sa susunod muli.