“Second reading” sa binubuong Code of Conduct sa South China Sea, malapit nang matapos– DFA official
Isa sa mga isyu na binanggit ng ilang miyembro ng ASEAN sa isinagawang maritime fora sa bansa ang ukol sa binubuong Code of Conduct (COC) sa South China Sea na layuning mabawasan ang tensyon sa pinagaagawang teritoryom
Aminado si DFA Office of ASEAN Affairs Deputy Assistant Secretary Noel Novicio na matagal pa bago matapos at maisapinal ang COC pero ang mahalaga ay nagpapatuloy ang negosasyon dito ng Tsina at ASEAN.
Ito ay lalo na’t kailangang ikonsidera ang mga nais ng 11 bansa sa COC.
Sinabi ni Novicio na lubhang seryoso at maingat ang negosasyon sa COC.
Inihayag ni Novicio na malapit nang matapos ang second round o second reading ng COC.
Sa susunod na taon aniya ay magkakaroon muli ng mga pagpupulong ang ASEAN member states at China para sa COC negotiations.
Tiwala ang opisyal na sa oras na maisapinal ang nasabing dokumento ay ito ang magiging isa sa pinakamahalagang kontribusyon ng ASEAN sa pagpapanatili ng kapayapaan sa South China Sea.
Moira Encina