Omicron, nangungunang variant ng COVID- 19 sa bansa
Ang Omicron parin ang nangungunang variant ng COVID-19 sa bansa.
Katunayan sa pinakahuling genome sequencing sa 126 samples mula November 21 hanggang December 3 puro subvariant ng Omicron ang natukoy.
Ayon sa Department of Health, 65 rito ay BA.2.3.20, 64 rito ay local cases habang Returning Overseas Filipino ang isa.
May 2 BA.5 kabilang na ang isang BQ.1 ang natukoy rin na pawang local cases mula region 6.
Ang BQ.1 na subvariant ng BA.5 ay sinasabing isa na ngayon sa nangungunang dahilan ng COVID infection sa Estados Unidos.
May 42 XBB, 2 XBC, at 6 na iba pang Omicron subvariants rin ang nakita at lahat sila ay local cases.
Madelyn Villar-Moratillo