House Speaker Martin Romualdez walang specific order para apurahin ang pagpapatibay ng Maharlika Sovereign Wealth fund Bill
Dumadaan sa regular na proseso ng lehislasyon ang Maharlika Sovereign Wealth Fund Bill.
Ito ang inihayag ni House Majority Leader Manix Dalipe sa isang ambush interview.
Sinabi ni Dalipe na walang kautusan si House Speaker Martin Romualdez para paspasan ang pagpapatibay sa Maharlika Sovereign Wealth Fund Bill.
Ayon kay Dalipe maaaring bago ang holiday recess ng Kongreso sa December 17 ay maipapasa sa second reading ang Maharlika Sovereign Wealth Fund Bill.
Ang Maharlika Sovereign Wealth Fund Bill ay iniakda nina Speaker Romualdez at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos na umaani ngayon ng matinding pagpuna dahil sa kawalan umano ng sapat na safety measures para mapangalagaan ang 275 billion pesos na pondo na kukunin sa Government Service Insurance System o GSIS, Social Security System o SSS, Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines o DBP at National Treasury.
Vic Somintac