Paggamit ng marijuana bilang alternative medicine tinalakay na ng Senado
Sinimulan nang dinggin ng Senado ang mga panukalang payagan na ang paggamit ng Marijuana bilang alternatibong Medical Treatment.
Ayon kay Senador Robin Padilla na isa sa mga nagsulong ng Senate Bill 230 o Medical Cannabis Compassionate Access at, karapatan raw ng mga pasyente na pumili ng nararapat na gamot sa kaniyang karamdaman.
Malaki aniya ang maitutulong ng Medical Cannabis na ngayon ay limitado sa ating bansa.
Emosyonal namang humarap sa pagdinig ang isang ina na ang kaniyang anak ay may Epilepsy at Cerebral falsy.
Ayon kay Dra. Donnabel Trias Cunanan, ang presidente ng Cannahopefuls Inc, ang Medical Cannabis lang daw ang gamot na makatutulong sa kanyang anak para maiwasan ang atake.
Umapila sila sa mga Senador na aprubahan ang panukala para maging legal ang pagamit sa Pilipinas sa abot kayang halaga.
Sa ngayon may walumpung pasyente na aniya ang naghihintay ng pag- asa na aaprubahan ito ng mga mambabatas.
SiNabi ni Senador Nancy Binay tama na pag- usapan ang isyu pero kailangang suriin ito lalo na ng mga eksperto .
Dapat may malinaw rin aniyang safeguards na ito ay gagamitin lang sa panggagamot.
Hindi pa kumbinsido si Senador Jinggoy Estrada na gumamit ng Medical Cannabis .
Bagamat pinapayagan naman ito sa ibang bansa, kailangang pag- aralan muna ito lalo na ng mga siyentiko.
Meanne Corvera