Mga empleyado na sasapit sa 56 years old, hindi oobligahing magretiro sa trabaho
Hindi oobligahin ang isang empleado na magretiro sa trabaho sakaling sumapit ito sa 56 na taong gulang
Ito ang nilinaw ni Senador Ramon Bong Revilla sa kaniyang isinusulong na panukalang batas para ibaba ang edad ng mga idedeklarang senior citizens .
Ayon sa Senador walang probisyon sa panukala para sa mandatory retirement at hindi ito magreresulta ng paglobo ng unemployment rate gaya ng pangamba ng ilang grupo.
Paglilinaw ni Revilla nais niya lang raw na maagang mapakinabangan ang mga benepisyo ng mga nakatatanda gaya ng 20 percent discount at iba pang mga pribilehiyo.
Mahalaga aniya ang mga priveleges na ito lalo ang discount sa mga maintenance medicine.
Sa kasalukuyan raw kasing mga datos mas mababa ang edad ng mga nagkakasakit at namamatay lalo na ng tumama ang pandemya sa bansa.
Meanne Corvera