Magna carta para sa informal workers isinusulong sa Kamara
Tiniyak ni Congressman Fidel Nograles , Chairman ng House Committee on Labor and Employment na mabibigyan ng proteksiyon ang informal workers.
Sinabi ni Nograles inumpisahan na ng Labor Committee ang pagtalakay sa House Bill 347 na iniakda ni Congressman Dan Fernandez at labing isang katulad na panukalang batas na may kaugnayan sa pagtatatag ng Magna Carta of Workers in the Informal Economy.
Ayon kay Nograles masasaklaw ng Magna Carta for Informal Workers ang self employed workers tulad ng ambulant vendors, small transport workers, construction workers, unpaid family members na tumutulong sa maliliit na negosyo ng kanilang pamilya at mga magsasaka.
Inihayag ni Nograles sa pamamagitan ng Magna Carta for Informal Workers mabibigyan ng solusyon ang ukol sa basic labor rights, proper working conditions and benefits tulad ng access sa credit facilities, capacity building training at tamang pasahod.
Batay sa data na mula sa Department of labor and Employment o DOLE 32.2 percent ng 47 million na employed filipinos o 17 million na manggagawa ay mula sa sektor ng informal workers.
Niliwanag ni Nograles na dahil wala pang batas na kumikilala sa karapatan ng mga informal workers sila ay malimit na naaabuso sa kanilang workplace.
Vic Somintac