Mga kaso ng severe at critical COVID cases sa bansa bumaba na
Bumaba na sa 650 ang kaso ng severe at critical COVID cases sa bansa.
Ayon sa Department of Health, ang bilang na ito ay 10.6% lang ng hospital admission o iyong mga na-admit sa ospital dahil sa COVID- 19.
Kasabay nito, sinabi ng DOH na nananatili ring mababa ang health care utilization rate sa bansa.
Sa 19,824 non ICU beds ay 4,758 lang ang okupado o katumbas ng 24% habang sa ICU beds naman ay 546 o 22.4% lang ng 2,435 beds ang okupado.
Ayon sa DOH, tumaas man ang mga kaso ng virus infection sa bansa basta hindi ito nagdudulot ng pagka ospital o malalang mga kaso ay hindi apektado ang health care system ng bansa.
Madelyn Villar-Moratillo