Maharlika Investment Fund puno ng safeguards ayon sa Kamara
May sapat na safeguards ang ipinasang House Bill 6608 o ang Maharlika Investment Fund o MIF.
Ito ang tiniyak ni Congressman Joey Salceda Chairman ng House Committe on Ways and Means isa sa mga may akda ng panukalang batas matapos pagtibayin ng Kamara ang MIF sa botong 279 ang pabor at anim ang tumutol na kinabibilangan nina Congressmen Gabriel Bordado, Arlene Brosas, France Castro, Raoul Manuel, Mujiv Hataman at Edcel Lagman.
Ayon kay Salceda kabilang sa mga amyenda at safeguards na pinagtibay ay financial review sa kakayahan ng mga nag-invest na mga government financial institutions o GFI’s.
Sinabi ni Salceda pinagtibay din ng Kamara ang ipinasok na amyenda ng Makabayan Bloc na right to freedom of information upang may karapatan ang publiko na malaman ang sitwasyon at pinaggagamitan ng MIF funds para protektado ang pera ng taongbayan.
Ang pondo ng MIF ay mula sa investible funds ng Lank Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
Inihayag ni Salceda matindi din ang ipinasok na amyenda sa penal provision ng MIF Bill para matiyak ang accountability ng mga bubuo ng Maharlika Investment Council o MIC na mangangasiwa ng pondo ng MIF.
Umaasa naman ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso na pagtitibayin din ng Senado ang Maharlika Investment Fund Bill dahil ito ay isinusulong mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Vic Somintac