Impact based forecasting visualizing tool , inilunsad ng DOST PAGASA

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng warning advisories at messaging service para maging accurate at epektibo ang multi hydrometeorological hazards warning system sa bansa pormal na inilunsad ngayon ng Department of Science and Technology /Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o DOST PAGASA ang Impact Based Forecasting o IBF visualization tool.

Sinabi ni PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano sa pamamagitan ng Impact Based Forecasting and Warning lalong mapapalakas ang hydrometeorological forecasting sa bansa gamit ang science innovation o Weather and Climate Science for Service Partnership for South East Asia.

Ayon kay Malano ang Weather and Climate Science for Service Partnership ay naka-sentro sa 3 research areas na kinabibilangan ng Global Scale Science and Modeling, Regional Scale Science and Modeling at Improving Advise and Understanding Needs kung saan gagamitin ang Impact Based Forecasting Approaches in the Philippines.

Inihayag ni Malano sa susunod na mga pagkakataon ay lalo pang mapapaganda ang weather forecasting sa Pilipinas upang mabawasan ang magiging epekto ng mga kalamidad partikular ang mga pumapasok na bagyo sa bansa.

Batay sa record ng PAGASA average na 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon na ilan sa mga ito ay mapaminsala sa buhay at kabuhayan.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *