U.S. suportado ang Pilipinas sa isyu sa South China Sea
Nagpahayag ng suporta ang U.S. sa patuloy na panawagan ng Pilipinas sa Tsina na igalang ang international law of the sea sa South China Sea.
Sa pahayag na inilabas ng U.S. Department of State, sinabi na nakakaapekto sa ikinabubuhay ng mga mangingisda ang napaulat na presensya ng Chinese militia vessels sa bisinidad malapit sa Spratly Islands.
Ayon sa Amerika, ang mga nasabing aksyon ng China ay nagpapakita rin ng pagbalewala nito sa iba pang South China Sea claimants at sa mga estado na legal na nag-ooperate sa rehiyon.
Nakikiisa rin ang U.S. sa panig ng Pilipinas sa engkuwentro sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy ukol sa rocket debris malapit sa Pag-asa Island.
Muling nanindigan ang Amerika na kakampi nito ang Pilipinas sa paggiit sa rules-based international order at freedom of navigation sa South China Sea.
Moira Encina