Mas murang sibuyas mabibili ngayong araw
Maaaring makabili na ng mas murang sibuyas sa mga pamilihan simula ngayong araw.
Ayon kay Agriculture USEC Kristine Evangelista, ito ang napagkasunduan nila ng stakeholders sa isinagawang pagpupulong kasama ang Onion farmers.
Ang rekomendasyon para itaas sa 250 pesos ang SRP ng sibuyas mula sa kasalukuyang 170 pesos ay isinumite na aniya nila sa tanggapan ng Pangulo na siya ring tumatayong kalihim ngayon ng Department of Agriculture.
Sinabi ni Evangelista na ibabagsak ang mga suplay ng sibuyas sa mga Kadiwa store at ilang pamilihan sa Metro Manila para mapakinabangan ng mga consumer lalo ngayong malakas ang demand dahil sa bagong taon.
Sa ngayon tuloy ang kanilang koordinasyon sa Onion farmers para agad mapabilis ang pagluwas sa Metro Manila ng mga sibuyas.
Meanne Corvera