Kamara magdo-double time sa pagpasok ng 2023 para pagtibayin ang natitirang economic recovery bill
Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na magdodoble kayod ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para agad na mapagtibay ang mga natitirang Economic recovery bill ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Romualdez na mayroon pang 12 economic measures na hiningi ni PBBM na bahagi ng common legislative agenda na napagkasunduan sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting sa Malakanyang.
Ayon kay Romualdez sa kabila ng nagbabantang global economic recession ang Pilipinas ay may magandang economic fundamentals sa mga bansa na kasapi ng Association of South East Asian Nation o ASEAN batay sa pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno.
Inihayag ni Romualdez pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng magandang economic fundamentals at framework ng Pilipinas ay ang mabilis na pagpapatibay ng 2023 National budget, agarang pag-adopt ng Kongreso ng Medium Term Fiscal Framework ng Marcos Jr. administrasyon para sa taong 2023 hanggang 2028 at ang pagpapalawak ng Build Build Build infrastructure program ng pamahalaan.
Vic Somintac