Ground tourism personnel sa mga paliparan, in-activate ng DOT kasunod ng aberya sa air traffic management system
Inatasan ng Department of Tourism (DOT) ang mga tauhan nito sa mga paliparan na umagapay sa mga naapektuhang biyahero ng techical issue sa air traffic management system ng bansa.
Ayon sa DOT, patuloy na nagbibigay ng mga impormasyon at assistance ang mga ground personnel nito sa airports sa mga istranded na turista.
Pinapayuhan din ang mga turista na imonitor ang update sa kanilang flight schedules sa official social media pages at websites ng Department of Transportation (DOTr) at airlines.
Tiniyak ng DOT na mahigpit ang koordinasyon nito sa mga kinauukulang ahensya, stakeholders at LGUs sa pagbabantay sa lagay ng mga turista sa bansa na apektado ng mga delay, kanselasyon at diversion ng mga flight.
Moira Encina