DOH handa sakaling may iba pang sakit na lumutang ngayong 2023
Tiniyak ng Department of Health ang kahandaan anumang sakit ang lumutang ngayong 2023.
Ayon kay DOH OIC Ma Rosario Vergeire, bagamat hindi pa nila nakikita na makakabalik na tayo sa dati bago ang COVID -19 pandemic nakikita naman nila na papunta na tayo sa acceptable level ng mga sakit gaya ng COVID- 19.
Ayon kay Vergeire, sinimulan na nilang isama sa kanilang normal programs ang para sa COVID-19.
Pagdating naman aniya sa health care system,may 46 na functional specialty centers sa buong bansa na ang naitatag.
Ngayong taon may 104 na karagdagan pa aniyang itatayo sa ibat ibang lugar sa bansa.
Layon aniya nitong magkaroon ng mas maayos na access ang publiko para sa ibat ibang pangangailangan na may kaugnayan sa specialty care tulad ng sa cancer sa puso sakit sa baga at ibat iba pa.
May 2,800 primary care facilities narin aniya ang na-accredit ng PhilHealth at asahang madadagdagan pa.
Pagtiyak ni Vergeire hindi lang COVID-19 ang pinaghahandaan ng pamahalaan kundi iba pang sakit na maaaring lumutang sa hinaharap.
Madelyn Villar- Moratillo