Nangyaring Air Traffic Management System bogged down banta sa National security ng bansa ayon sa Kamara
Maituturing na malaking banta sa National security ng bansa ang nangyaring 7 oras na Air Traffic Management Control System bogged down noong January 1.
Sinabi ni House Committee on Transportation Vice Chairman Congressman Reynan Arrogancia na naging bulag ang air space ng Pilipinas sa loob ng 7 oras dahil walang radar monitor sa anumang klase ng aircraft na papasok sa teritoryo ng bansa.
Ayon kay Arrogancia dapat mayroong mananagot dahil hindi lamang aviation nightmare ang nangyari kundi National Security nightmare.
Inihayag ni Arrogancia dapat maging prioridad ng Marcos administration ang upgrading ng air traffic mangement control system ng bansa upang hindi na maulit ang nangyaring aberya.
Vic Somintac