Mga dating opisyal ng DOTr , pinagpapaliwanag na ng Senado sa umano’y pag divert ng pondo ng CAAP sa Airport beautification
Ipapatawag ng Senado sa ikinakasa nitong imbestigasyon sa nangyaring aberya sa Ninoy Aquino International Airport ang mga dating opisyal ng Department of Transportation.
Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, kailangang ipaliwanag ng mga dating opisyal ang mga report na idinivert umano ang pondo para sa upgrading ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa beautification ng mga paliparan.
Sinabi ni Estrada na kailangang linawin kung nagkaroon ba ng diversion of funds na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
Malaking dagok aniya sa ekonomiya ang nangyari noong linggo kung saan natigil ang paglapag at paglipad ng mga eroplano papasok at palabas ng bansa .
Bukod sa DOTr kasama sa mga ipatatawag ang mga opisyal ng CAAP para ipaliwanag ang bakit nag bogged down ang kanilang sistema at bakit walang back up.
Meanne Corvera