Presyo ng pulang sibuyas sa mga pamilihan sa Metro manila , mataas pa rin
Hindi pa rin bumababa ang presyo ng pulang sibuyas sa mga pamilihan sa Metro manila .
Sa kabila yan ng ipinatutupad na Suggested Retail Price ng Department of Agriculture na aabot sa 250 pesos kada kilo.
Katunayan sa Quinta market sa Quaipo Maynila, aabot pa rin sa 550 hanggang 600 pesos ang kada kilo ng sibuyas.
Reklamo ng mga nagtitinda hindi sila maaaring sumunod sa SRP dahil halos 450 hanggang 550 pesos pa rin ang kanilang angkat sa kada kilo ng sibuyas sa Divisoria.
Ganito rin ang presyo sa Blumentritt market sa Maynila.
Hamon nila sa D-A magsuplay ng sibuyas sa mga pamilihan para makasunod sila sa itinatakdang SRP.
Ang ibang namimili, wala raw magawa kaya tingi tingi at tinitipid na lang ang paggamit ng sibuyas.
Meanne Corvera