Inflation rate pumalo sa 8.1% nitong Disyembre
Lalo pang bumilis ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong December 2022 na umabot sa 8.1 percent.
Ito na ang pinakamataas na naitalang inflation rate mula noong November 2008.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority, pinakamalaking nag-ambag sa pagtaas ng inflation rate ang restaurants at accommodation services at pagtaas ng presyo ng presyo ng mga pagkain.
Ayon kay National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, ang mga pagkain na nag-ambag ng pagtaas sa inflation ay ang gulay gaya ng repolyo at sibuyas, karne, isda , harina, asukal at iba pang dessert.
Tumaas rin ayon kay Mapa ang lahat ng mga pagkain na nakokonsumo sa labas ng bahay tulad ng mga fastfood at restaurant.
Gayunman, mas mababa pa rin ang annual inflation nitong 2022 kumpara noong 2008 na naitala sa 8.2 percent sa kasagsagan ng global financial crisis.
Inaasahan naman ng PSA na unti-unti nang bababa ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa mga susunod na buwan.
Meanne Corvera