Special airfare rate para sa mga OFWs inihirit ng isang Senador
Umaapela si Senador Raffy Tulfo sa airline companies na bigyan ng Special rate o discount ang mga Overseas Filipino Worker na nais makauwi ng bansa.
Ayon sa Senador marami sa mga manggagawang pinoy tinitiis na hindi umuwi ng Pilipinas dahil sa napakamahal na pamasahe.
Katunayan sa mga natanggap niya na reklamo pumapalo na sa 90 thousand hanggang 140 thousand pesos ang one way flight mula sa Japan pauwi ng Pilipinas.
Hindi aniya ito kakayanin ng mga manggagawa lalo na kung limitado lang ang kanilang budget.
Kaya marami aniya sa OFWs hindi na nakapagbakasyon para makapiling ang kanilang pamilya nitong holiday season na nagmiula pa noong pandemya.
Mungkahi ng Senador sa Cebu pacific at Philippine Airlines, magbigay ng preferential pricing system para sa mga manggagawang pinoy lalo na sa mga domestic workers.
Nakikipag – ugnayan na rin ang Senador sa Department of Migrant Workers para sa posibleng pag subsidize ng discounted air fare ng OFWs.
Ang isyu naman nang pagtaas pamasahe ay tatalakayin ng Senador sa ipinatawag na pagdinig ng Senado sa isyu ng nangyaring aberya sa air navigation system ng CAAP nitong linggo.
Meanne Corvera