CAAP Director pinag-iinhibit dahil sa nangyaring pag shutdown ng airspace ng bansa
Pinag-iinhibit ni Senador Grace Poe si CAAP Director General Manuel Tamayo sa ongoing investigation sa nangyaring pag shutdown ng airspace ng bansa.
Ayon sa Senador, hindi puwedeng si Tamayo o ang CAAP mismo ang mag – imbestiga sa nangyaring kapalpakan ng kanilang tanggapan.
Hinimok rin nito si DOTr Secretary Jaime Bautista na magtalaga nang mag-iimbestiga na isang independent body at walang kinikilingan.
Habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon, mungkahi ng Senado magtalaga muna ng pansamantalang papalit kay Tamayo.
Samantala, hinihintay pa ng Senado ang Forensic Investigation Report para magkaroon nang mas malinaw na larawan kung ano talaga ang nangyari nang magkaroon ng problema sa navigation system.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, oras na matanggap ang report saka irerekomenda ng Senado kung sino ang dapat kasuhan at papanagutin sa nangyaring aberya na puminsala sa operasyon ng mga eroplano at naglagay sa balag ng alanganin sa may 65 libong mga pasahero.
Meanne Corvera