DFA patuloy na aagapay sa OFWs hanggang sa maging fully operational ang DMW
Magpapatuloy pa rin ang assistance ng mga embada at konsulado ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa
overseas Filipino workers (OFWs) hanggang sa ganap nang mag-take over ang Department of Migrant Workers (DMW) sa nasabing gampanin.
Alinsunod sa Republic Act No. 11641, ang DMW na ang gaganap sa Assistance to Nationals (ATN) functions ng DFA sa pamamagitan ng pagtatatag ng Migrant Workers Offices (MWOs) sa ibang bansa.
Ayon sa DFA, pinaglaanan ng Kongreso ang DMW ng AKSYON Fund sa ilalim ng Section 14 sa nasabing batas.
Nasa proseso na ng hiring ng kawani ang DMW para sa Migrant Workers Offices.
Ang DFA personnel naman ang magsasanay sa mga naturang empleyado.
Sinabi ng kagawaran na pansamantala ay papasok muna sa kasunduan ang DMW at DFA upang maipagpatuloy ng DFA ang pagpupondo sa lahat ng assistance sa migrant workers.
Ito ay hanggang sa makumpleto ng DMW ang operasyon sa pagdisburse ng AKSYON Fund sa overseas Migrant Workers Office.
Moira Encina