Mga taga customs at DA nasabon ng mga Senador dahil sa pag-aresto sa mga airline crew na nagpasalubong ng sibuyas
Nagbanta si Senador Imee Marcos na ipapa-subpoena si Customs Commissioner Yogi Ruiz kung hindi sisipot sa imbestigasyon ng Senado sa isyu ng sibuyas ngayon araw.
Nais ni Marcos na malaman kung totoo ang mga report na may nangyayaring smuggling at minamanipula ang suplay ng sibuyas dahilan kaya nagmamahal ang presyo nito sa mga pamilihan.
Ipinatawag ng Committee on Agriculture si Ruiz para alamin kung ano ang ginagawang hakbang sa kanilang mga nasabat na mga sibuyas.
Ang BOC aniya ang nagsagawa ng mga raid at nakadiskubre ng santambak na mga sibuyas pero ang tanong saan ito dinadala.
May mga report umano kasi na ibinabagsak sa ilang pamilihan sa bansa ang naturang mga sibuyas.
Bukod sa mga opisyal ng customs kasama sa mga pinahaharap ngayon ng Senado ang mga opisyal ng Department of Agriculture.
Ayon sa mga Senador taon-taon problema ang suplay ng sibuyas pero bakit hanggang ngayon walang malinaw na aksyon hinggil dito kundi mag-import sa ibang bansa.
Meanne Corvera