Paglipat ng minimum security camp ng Bilibid sa Fort Magsaysay, posibleng maisagawa sa Mayo–Remulla
Kakausapin ni Justice Secretary Crispin Remulla si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa planong paglipat ng mga inmate mula sa minimum security compound ng Bilibid papunta sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Ininspeksyon noong Agosto ng nakaraang taon ni Remulla ang mega drug rehabilitation facility ng Department of Health (DOH) sa Fort Magsaysay.
Sinabi ni Remulla na sa Mayo ngayong taon ay maaari na nilang isagawa ang transfer ng mga preso sa pasilidad.
Pero dahil hindi kasama sa national budget ngayong taon ang nasabing inmates transfer ay kailangan niyang kausapin ang presidente.
Ayon sa kalihim, kaya namang maisagawa ang paglipat ng minimum security camp nang hindi gugugol nang malaking halaga.
Aniya, maganda ang disenyo at malaki ang kuwarto sa pasilidad sa Fort Magsaysay.
Naniniwala si Remulla na magiging “more humane” ang kondisyon ng mga preso doon.
Inihayag naman ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na inihahanda na rin ang mga bus na gagamitin para sa pagdadala ng mga inmates mula sa minimum security camp papunta sa Fort Magsaysay.
Moira Encina