US nag-donate ng P1.6M halaga ng equipment para sa paglaban sa wildlife trafficking at environmental crimes
Tumanggap ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ng tatlong evidence containers mula sa U.S. government na nagkakahalaga ng P1.6 million para mapalakas ang paglaban nito sa wildlife trafficking at environmental crimes.
Idinaos ang equipment handover sa PCSD headquarters sa Puerto Princesa City na pinangunahan ni U.S. Department of State Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL) Principal Deputy Assistant Secretary Lisa Johnson.
Itatago sa nasabing secured storage units
ang mga nasabat na kontrabando at ebidensya para sa prosekusyon ng wildlife traffickers at iba pang sangkot sa environmental crimes.
Inaasahan na sa pamamagitan nito ay mapagbubuti ang pagsunod ng PCSD sa chain of custody requirements at mas maging admissible sa korte ang mga ebidensya.
Ayon kay PCSD Executive Director Niño Rey Estoya, ang donasyon ay kritikal upang ang mga kaso na iniimbestigahan at inuusig sa piskalya ay hindi mababasura dahil sa teknikalidad.
Moira Encina