Pilipinas maraming pakikinabangan sa pagdalo ni PBBM sa WEF sa Davos, Switzerland –ekonomista
Tiwala ang isang ekonomista na maraming benepisyo ang bansa sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng delegasyon nito sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Sinabi ni Michael Ricafort, Chief Economist ng RCBC, ang WEF ang pagtitipon ng pinakamayayaman, pinakamakapangyarihan at pinakamaiimpluwensiya na mga bansa, kumpanya at mga eksperto sa maraming larangan.
Ayon kay Ricafort, nasa pagtitipon din ang mga dayuhan na maaaring mamuhunan at mga bansa na puwede na maging export market ng Pilipinas.
Aniya, makatutulong ang mga mabubuong relasyon at ugnayan ng Pilipinas sa WEF para matugunan din ang maraming pangangailangan ng bansa.
Ito ay tulad na lamang sa imprastraktura, food security, social services, healthcare, enerhiya, at marami pang iba.
Naniniwala pa si Ricafort na mahirap palagpasin ang nasabing oportunidad upang makahikayat ng mga dayuhang investors na naghahanap nang mapaglalagyan ng kanilang mga pondo at mga negosyo.
Moira Encina