Kamara , hiniling sa Department of Agriculture na makipagtulungan sa mga lokal na magsasaka para maresolba ang agri-product smuggling sa bansa
Kinalampag ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee ang Department of Agriculture o DA na makipagtulungan sa mga lokal na magsasaka o mga agriculture stake holders para labanan ang talamak na agricultural product smuggling sa bansa.
Sinabi ni Lee na handa naman ang mga lokal na magsasaka na makipagtulungan sa Department of Agriculture dahil sila ang direktang tinatamaan sa smuggling ng mga agricultural products.
Ayon kay Lee dapat mayroong papel ang mga lokal na magsasaka sa anti smuggling campaign ng gobyerno dahil sila ang direktang nakakakita ng kalakaran at modus operandi ng mga smugglers.
Inihayag ni Lee na kailangang palakasin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inspectorate and enfrocement division ng Department of Agriculture upang magtagumpay ang kampanya ng pamahalaan laban sa agri-product smuggling.
Vic Somintac