Tusok-tusok sa alak-alakan, ano ang ibig sabihin nito?

Hi, mga kapitbahay!

Happy day sa ating lahat.

Sa ating programang Kapitbahay sa Radyo Agila ay may nagtanong … madalas na nararamdaman niya na parang tinutusok ang alak-alakan (calf) at nanghihina ang binti, senior na siya.

Para masagot po ang tanong ay ikinunsulta natin kay Dr. Rylan Flores, isang Orthopedic Surgeon, ito ang kaniyang tugon…

Kapag ikaw ay nakararamdam na parang tinutusok ang alak-alakan, maaaring may kinalaman sa blood flow o sa nerve flow.

Usually, sa ganitong sitwasyon, pinapapahinga at nagbibigay tayo ng vitamin B complex.

Pero, kapag may kasamang panghihina ng binti, dalawang bagay ang dapat alamin.

Maaari kasing may problema sa loob ng joint o sa ligaments o maaaring walang problema sa tuhod, sa halip ay sa spinal cord, kaya nanghihina ang tuhod.

Kaya dapat ma-eksamin ng mabuti.

Ngayon, kung hirap sa pagbaba ng hagdan, gusto ko lamang mabanggit na hindi joint ang problema, kundi ang muscles ng hita.

Kaya kapag ganito, exercise ang kailangan.

Kaya lang, bago gawin ang exercise, kailangan na magpahinga muna kahit 3-4 days para mabawasan ang pamamaga, and then, puwede na sa exercise.

Pero, mas mainam kung maikonsulta pa rin sa doktor.

Maaaring maitanong kung okay lang ba na gayahin na lamang ang napapanuod sa You Tube?

Ang maipapayo ko po ay kumausap po kayo ng physical therapist para magawan kayo ng programa para pampalakas ng hita
.
Maraming salamat po, Doc Rylan.

At sana mga kapitbahay nakapagdagdag ito ng kaalaman lalo pa nga at may ganito na rin po kayong nararamdaman.

Until next time !

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *